< ᎨᏥᏅᏏᏛ ᏄᎾᏛᏁᎵᏙᎸᎢ 25 >

1 ᎿᎭᏉᏃ ᏇᏍᏓ ᎾᎿᎭᏍᎦᏚᎩ ᎠᏥᎦᏘᏗᏍᏛ ᎤᎷᏨ, ᏦᎢ ᏫᏄᏒᎸ, ᏏᏌᎵᏱ ᎤᏂᎩᏒᎩ ᏥᎷᏏᎵᎻ ᏭᎶᏒᎩ.
Ngayon, dumating si Festo sa lalawigan at pagkatapos nang tatlong araw ay nagpunta siya mula sa Cesarea paakyat sa Jesrusalem.
2 ᎿᎭᏉᏃ ᏄᎬᏫᏳᏒ ᎠᏥᎸ-ᎨᎶᎯ ᎠᎴ ᎤᏂᎬᏫᏳᎯ ᎠᏂᏧᏏ ᏧᎾᏤᎦ ᎬᏩᏃᎮᎮᎸᎩ ᎠᏄᎯᏍᏗᏍᎬ ᏉᎳ ᎠᎴ ᎬᏩᏍᏗᏰᏔᏅᎩ,
Ang pinakapunong pari at mga kinikilalang mga Judio ay nagharap kay Festo ng mga paratang laban kay Pablo, at malakas silang nagsalita kay Festo.
3 ᎬᏩᏔᏲᏎᎸᎩ ᏧᏓᏅᏖᎮᏗᏱ ᎾᏍᎩ ᎠᏄᎯᏍᏗᏍᎬᎢ, ᎾᏍᎩ ᎤᏓᏅᏍᏗᏱ ᏥᎷᏏᎵᎻ ᎠᎦᏘᏃᎯᏍᏗᏱ; ᏭᏂᎭᎷᎨᏰᏃ ᏅᏃᎯ ᎤᏂᎯᏍᏗᏱ ᎤᏂᏰᎸᏎᎢ.
At humingi sila ng pabor tungkol kay Pablo, na tawagin siya sa Jesrusalem upang magkaroon sila ng pagkakataon na patayin siya sa daan.
4 ᎠᏎᏃ ᏇᏍᏓ ᎤᏁᏨᎩ ᏉᎳ ᎠᎦᏘᏗᏍᏗᏱ ᏏᏌᎵᏱ, ᎠᎴ ᎤᏩᏒ ᏂᎪᎯᎸᎾᏉ ᎾᎿᎭᏭᎶᎯᏍᏗᏱ.
Ngunit sumagot si Festo na si Pablo ay isang bilanggo sa Caesarea, at babalik siya agad doon.
5 ᎯᎠᏃ ᏄᏪᏒᎩ; ᎾᏍᎩ ᎢᏳᏍᏗ ᏂᎯ ᏱᏣᏓᏑᏯ ᏰᎵ ᎢᎨᏣᏛᏁᏗ ᎨᏎᏍᏗ ᎢᏕᏒᎭ ᏪᏥᏱᎵᏙᎸᎭ ᎾᏍᎩ Ꮎ ᎠᏍᎦᏯ, ᎢᏳᏃ ᎤᏍᎦᏅᏨᎯ ᎨᏎᏍᏗ.
“Kung gayun, kung sino man ang pwede,” Sinabi niyang, “dapat sumama sa amin doon. Kung may pagkakamali sa taong ito, kinakailangang paratangan ninyo siya.”
6 ᎠᏍᎪᎯᏃ ᎤᏗᏢᏍᏙᏗ ᏄᏒᎸ ᏚᏪᎳᏗᏙᎸ, ᏏᏌᎵᏱ ᏭᎶᏒᎩ; ᎤᎩᏨᏛᏃ ᏗᎫᎪᏙᏗᏱ ᎦᏍᎩᎸ ᎤᏬᎸᎢ ᎤᏁᏨᎩ ᏉᎳ ᏩᏥᏯᏅᏗᏱ.
Pagkatapos niyang manatili pa ng walo o sampung araw, siya ay bumaba patungo sa Cesarea. Kinabukasan, naupo na siya sa hukuman at pinag-utos na dalhin si Pablo sa kaniya.
7 ᎤᎷᏨᏃ, ᎠᏂᏧᏏ ᏥᎷᏏᎵᎻ ᏅᏓᏳᎶᏒᎯ ᎬᏩᏚᏫᏛ ᎤᎾᎴᏅᏅᎩ, ᎠᎴ ᎤᏣᏛᎩ ᎠᎴ ᎦᎨᏛ ᎠᏄᎯᏍᏗᏍᎬᎩ ᏉᎳ, ᎾᏍᎩ ᎤᏙᎯᏳᏒ ᎬᏂᎨᏒ ᎢᎬᏩᏅᏁᏗ ᏂᎨᏒᎾ ᎨᏒᎩ.
Nang siya ay dumating, nakatayo sa di kalayuan ang mga Judiong galing sa Jerusalem, at nagharap sila ng mga mabibigat na bintang laban sa kaniya na hindi nila mapatunayan.
8 ᎤᏩᏒᏃ ᎠᎵᏍᏕᎵᏍᎬ ᎤᏁᏨᎩ ᎯᎠ ᏄᏪᏒᎩ; ᎥᏝ ᎤᏍᏗᎤᏅ ᎠᎩᏍᎦᏅᏨᎯ ᏱᎩ ᎠᏂᏧᏏ ᏧᏂᎧᎿᎭᏩᏛᏍᏗ ᎤᏂᎲᎢ, ᎥᏝ ᎠᎴ ᎤᏛᏅ-ᏗᎦᎳᏫᎢᏍᏗᏱ ᏥᏍᎦᏅᏤᎸᎯ ᏱᎩ, ᎥᏝ ᎠᎴ ᏏᏌ ᎪᎱᏍᏗ ᏥᏍᎦᏅᏤᎸᎯ ᏱᎩ.
Pinagtanggol ni Pablo ang kaniyang sarili at sinabing, “Hindi laban sa pangalan ng mga Judio, hindi laban sa templo, at hindi laban kay Cesar, wala akong ginawang masama.”
9 ᎠᏎᏃ ᏇᏍᏓ ᎤᏚᎵᏍᎬᎢ ᎠᏂᏧᏏ ᎣᏍᏛ ᏧᏓᏅᏓᏗᏍᏙᏗᏱ ᏅᏓᏳᎵᏍᏙᏔᏅ, ᎤᏁᏤᎸᎩ ᏉᎳ ᎯᎠ ᏄᏪᏎᎸᎩ; ᏣᏚᎵᏍᎪ ᏥᎷᏏᎵᎻ ᏤᏅᏍᏗᏱ ᎠᎴ ᎾᎿᎭᎯᎠ ᎾᏍᎩ ᏗᎬᏳᎪᏓᏁᏗᏱ?
Ngunit gustong makuha ni Festus ang loob ng mga Judio kaya sumagot siya kay Pablo at sinabing, “Gusto mo bang pumunta sa Jerusalem at doon kita husgahan tungkol sa mga bagay na ito?”
10 ᏉᎳᏃ ᎯᎠ ᏄᏪᏒᎩ; ᏏᏌ ᎤᏪᏍᎩᎸ ᏗᎫᎪᏙᏗᏱ ᏥᏙᎦ, ᎾᎿᎭᎠᏆᎵᏰᎢᎵᏕᏗᏱ. ᎠᏂᏧᏏ ᎥᏝ ᎪᎱᏍᏗ ᎦᏥᏍᎦᏅᏤᎸᎯ ᏱᎩ, ᎾᏍᎩ ᎣᏏᏳ ᏂᎯ ᏥᎦᏔᎭ.
Sinabi ni Pablo, “Tatayo ako sa harapan ng hukuman ni Cesar kung saan ako dapat hatulan, Hindi ako gumawa ng mali sa mga Judio, gaya ng pagkakaalam ninyo.
11 ᎢᏳᏰᏃ ᏥᏍᎦᎾ ᏱᎩ, ᎠᎴ ᎬᎩᏲᎱᎯᏍᏗ ᎢᎦᎢ ᎠᎩᏍᎦᏅᏨᎯ ᏱᎩ, ᎥᏝ ᏱᏙᎬᏆᏢᏫᏏ ᎠᎩᏲᎱᎯᏍᏗᏱ; ᎢᏳᏍᎩᏂ ᏄᏙᎯᏳᏒᎾ ᏱᎩ ᎯᎠ ᎾᏍᎩ ᏥᎬᏇᎯᏍᏗᎭ, ᎥᏝ ᎩᎶ ᏰᎵ ᏗᎬᏩᏂᏲᎯᏎᏗ ᏱᎩ ᎠᏴ. ᏏᏐᎢ ᏫᏥᎥᏍᏓ.
Kung may nagawa man akong pagkakamali at kung may nagawa man akong karapat-dapat sa kamatayan, hindi ko tatanggihan ang mamatay. Ngunit kung ang kanilang mga paratang ay walang halaga, walang sino man ang maaaring magdala sa akin sa kanila. Kaya nga ako tumatawag kay Cesar.”
12 ᎿᎭᏉᏃ ᏇᏍᏓ ᏚᎵᏃᎮᏔᏅ ᏗᏂᎳᏫᎩ, ᎯᎠ ᏄᏪᏒᎩ; ᏏᏐᎢᏧ ᏫᎲᏍᏓ? ᏏᏐᎢ ᏖᏏ.
Pagkatapos makipag-usap ni Festo sa kapulungan, sumagot siya, “Tumawag ka kay Cesar; pupunta ka kay Cesar.”
13 ᎢᎸᏍᎩᏃ ᏫᏄᏒᎸ ᏏᏌᎵᏱ ᎤᏂᎷᏨᎩ ᎤᎬᏫᏳᎯ ᎡᎩᎵᏈ ᎠᎴ ᏆᏂᏏ, ᎤᏂᏲᎵᎵᎸᎩ ᏇᏍᏓ.
Ngayon pagkalipas ng ilang mga araw, dumating sa Cesarea si Haring Agripa at Bernice upang magbigay ng opisyal na pagdalaw kay Festo.
14 ᎢᎸᏍᎩᏃ ᏄᏬᎯᏨ ᎾᎿᎭᎤᏁᏙᎸ, ᏇᏍᏓ ᎤᏃᎮᎮᎸᎩ ᎤᎬᏫᏳᎯ ᏄᏍᏛ ᏉᎳ ᎤᎵᏱᎵᏕᎲᎢ, ᎯᎠ ᏄᏪᏒᎩ; ᎩᎶ ᎢᏳᏍᏗ ᎠᏍᎦᏯ ᎠᏴᎩ ᎠᏥᎧᎭ ᏈᎵᏏ ᎤᏪᎧᎯᏴᎯ.
Pagkatapos ng maraming araw na naroon siya, inilahad ni Festo ang kaso ni Pablo sa hari; sinabi niya, “May isang tao na naiwan dito ni Felix na bilanggo.
15 ᎾᏍᎩ ᎬᎩᏃᎮᎮᎸᎩ ᏄᏂᎬᏫᏳᏒ ᎠᏥᎸ-ᎠᏁᎶᎯ ᎠᎴ ᏗᏂᎳᏫᎩ ᎠᏂᏧᏏ ᏧᎾᏤᎵᎦ, ᏥᎷᏏᎵᎻ ᏥᏫᎨᏙᎲᎩ, ᎠᏂᏔᏲᎯᎲᎩ ᎤᏍᎦᏅᏨ ᏧᏚᎪᏙᏗᏱ.
Nang ako ay nasa Jerusalem, ang mga pinunong pari at mga nakatatanda sa mga Judio ay nag harap sa akin ng mga bintang laban sa taong ito, at humihingi sila ng kahatulan laban sa kaniya.
16 ᎾᏍᎩᏃ ᎯᎠ ᏂᎦᏥᏪᏎᎸᎩ; ᎠᏂᎶᎻ ᎥᏝ ᎾᏍᎩ ᏱᏄᏅᏅ, ᎾᏍᎩ ᏧᏂᏲᎯᏍᏗᏱ ᎩᎶ ᎤᏲᎱᎯᏍᏗᏱ, ᎬᏂ ᎠᎫᎢᏍᏗᏍᎩ ᎬᏭᎯᏍᏗᏍᎩ ᏚᎾᎧᏛ ᏧᎪᎲᎯ ᏥᎨᏐ ᎠᎴ ᎠᎦᎵᏍᎪᎸᏓᏁᎸᎯ ᏥᎨᏐ ᎤᏩᏒ ᎠᎵᏍᏕᎵᏍᎬ ᎤᏁᎢᏍᏗᏱ ᎤᏃᎮᏗᏱ ᎤᏍᎦᏅᏨ ᎠᎫᎢᏍᏗᏍᎬ ᎤᎬᏩᎵ.
Sinagot ko sila ng ganito na hindi kaugalian ng mga Romano na ibigay ang isang tao bilang pabor; kundi, may pagkakataon ang naparatangang tao na harapin niya ang mga nagparatang sa kaniya at ipagtanggol ang kaniyang sarili sa mga ibinintang sa kaniya.
17 ᎾᏍᎩ ᎢᏳᏍᏗ ᎠᏂ ᎤᏂᎷᏥᎸ, ᏄᎵᏍᏛᏉ ᎤᎩᏨᏛ ᏗᎫᎪᏙᏗᏱ ᎦᏍᎩᎸ ᎠᎩᏅᎩ, ᎠᎴ ᎠᎩᏁᏨᎩ ᎾᏍᎩ ᎠᏍᎦᏯ ᏩᏥᏯᏅᏗᏱ.
Kung gayun, hindi ako naghintay, nang dumating silang sama-sama rito, ngunit ng kinabukasan ay naupo ako sa upuan ng paghatol at iniutos ko na dalin sa loob ang taong ito.
18 ᎾᏍᎩ ᎬᏭᎯᏍᏗᏍᎩ ᏚᎾᎴᏅ, ᎥᏝ ᎪᎱᏍᏗ ᏳᏂᎾᏄᎪᏫᏎ ᎾᏍᎩ ᏯᏂᎾᏄᎪᏩ ᎠᏇᎵᏒ ᎾᏍᎩ ᎠᏄᎯᏍᏗᏍᎬᎢ.
Nang tumayo ang mga nagparatang at pinaratangan siya, inisip ko na walang mabigat sa mga bintang na hinarap nila sa taong ito.
19 ᎠᏄᎯᏍᏗᏍᎬᏍᎩᏂ ᎪᎱᏍᏗᏉ ᎤᏍᏗ ᎾᏍᎩ ᎧᏃᎮᏗ ᎨᏒ ᎤᏅᏒᏉ ᎤᎾᏤᎵᏛ ᎤᏁᎳᏅᎯ ᏧᏂᎧᎿᎭᏩᏛᏍᏗ ᎨᏒᎢ, ᎠᎴ ᎩᎶ ᎢᏳᏍᏗ ᏥᏌ, ᎤᏲᎱᏒᎯ, ᎾᏍᎩ ᎡᎭ ᎠᏗᏍᎨ ᎨᎵ ᏉᎳ.
Sa halip, maroon silang ilan na di pagkakaunawaan tungkol sa kanilang sariling relihiyon at tungkol sa isang Jesus na namatay, na siyang pinatutunayan ni Pablo na buhay.
20 ᎠᎴ ᎾᏍᎩ ᎢᏳᏍᏗ ᎧᏃᎮᏛ ᎨᏒ ᏓᏆᏢᏫᏎᎲᎢ ᏅᏓᏳᎵᏍᏙᏔᏅᎩ, ᎯᎠ ᏅᏥᏪᏎᎸᎩ [ ᏉᎳ ]; ᏣᏚᎵᏍᎪ ᏥᎷᏏᎵᎻ ᏤᏅᏍᏗᏱ ᎾᎿᎭᏃ ᎯᎠ ᎾᏍᎩ ᏂᎦᏛ ᏤᏧᎪᏓᏁᏗᏱ.
Nalilito ako kung papaano ko sisiyasatin ang bagay na ito, at tinanung ko siya kung gusto niya na pumunta sa Jerusalem upang husgahan doon tungkol sa mga bagay na ito.
21 ᎠᏎᏃ ᏉᎳ ᎤᏁᏨ ᎠᏥᎦᏘᏗᏍᏗᏱ, ᎠᎴ ᎣᎦᏍᏓ ᏧᏭᎪᏓᏁᏗᏱ, ᎠᎩᏁᏨᎩ ᎠᏥᎦᏘᏗᏍᏗᏱ, ᎬᏂ ᎬᏆᏓᏅᏍᏗ ᏱᏄᎵᏍᏔᏅ, ᏏᏐᎢ.
Ngunit nang ipinatawag si Pablo upang siya ay bantayan hanggang sa makapag-desisyon ang Emperador, Iniutos ko na bantayan siya hanggang maipadala ko siya kay Cesar.”
22 ᎿᎭᏉᏃ ᎡᎩᎵᏈ ᎯᎠ ᏄᏪᏎᎸᎩ ᏇᏍᏓ; ᎠᏴ ᎾᏍᏉ ᎠᏋᏒ ᎠᏆᏚᎵᎭ ᏥᏯᏛᎦᏁᏗᏱ ᎾᏍᎩ ᎠᏍᎦᏯ. ᎯᎠᏃ ᏄᏪᏒᎩ; ᎤᎩᏨᏅ ᏘᏯᏛᎦᏁᎵ.
Sinabi ni Agripa kay Festo, “Nais ko rin na makinig sa taong ito.” “Bukas,” sinabi ni Festo, “Maririnig mo siya.”
23 ᎰᏩᏃ ᎤᎩᏨᏛ ᎤᏣᏘ ᎤᎾᏣᏅᎯ ᎤᏂᎷᏨ ᎡᎩᎵᏈ ᎠᎴ ᏆᏂᏏ, ᎾᏍᎩᏃ ᏗᏓᏱᎵᏓᏍᏗᏱ ᎤᏂᏴᎸ, ᎠᎴ ᏄᏂᎬᏫᏳᏒ ᏗᎾᏓᏘᏂᏙᎯ, ᎠᎴ ᎨᏥᎸᏉᏗ ᎾᎿᎭᎦᏚᎲ ᎠᏁᎯ, ᏇᏍᏓ ᎤᏁᏨ, ᏉᎳ ᏩᏥᏯᏅᎲᎩ.
Kaya kinabukasan, dumating sina Agripa at Bernice na may maraming seremonya; dumating sila sa loob ng bulwagan kasama ang mga pinunong kawal at kasama ang mga kinikilalang tao sa lungsod. At nang sabihin ni Festo ang utos, dinala si Pablo sa kanila.
24 ᏇᏍᏓᏃ ᎯᎠ ᏄᏪᏒᎩ; ᏣᎬᏫᏳᎯ ᎡᎩᎵᏈ, ᎠᎴ ᎾᏍᏉ ᏂᎦᏛ ᎢᏥᏍᎦᏯ ᎠᏂ ᏥᏗᎾ; ᎡᏥᎪᏩᏗᎭ ᎯᎠ ᎠᏍᎦᏯ, ᎾᏍᎩ; ᎠᏄᎯᏍᏗᏍᎬ ᏂᎦᏛ ᎤᏂᏣᏘ ᎠᏂᏧᏏ ᏥᎬᎩᎷᏤᎸᎩ ᏥᎷᏏᎵᎻ, ᎠᎴ ᎾᏍᏉ ᎠᏂ, ᎯᎠ ᏥᎾᏂᏪᏍᎬᎩ; ᎥᏝ ᎣᏏᏳ ᏱᎦᎩ ᎠᏏᏉ ᏱᎬᏅ.
Sinabi ni Festo, “Haring Agripa, at sa lahat ng mga tao na narito na kasama namin, nakikita ninyo ang taong ito; ang lahat ng mga Judio ay nakipag-usap sa akin sa Jerusalem at sa lugar ding ito, at sumigaw sila sa akin na hindi na siya kinakailangang mabuhay.
25 ᎠᏆᏙᎴᎰᏒᏃ ᏄᏍᎦᏅᏨᎾ ᎨᏒ ᏰᎵ ᎬᏩᏲᎱᎯᏍᏗ ᎨᏒᎢ, ᎠᎴ ᎤᏩᏒ ᎣᎦᏍᏙᎢ ᏭᎲᏍᏔᏅ, ᏓᏇᎪᏔᏅ ᎠᎦᏘᏅᏍᏗᏱ.
Napag-alaman ko na wala siyang ginawa na karapdapat sa kamatayan; ngunit dahil tumawag siya sa Emperador, nagpasya ako na dalin siya sa kaniya.
26 ᎾᏍᎩ ᏥᏃᎮᏍᎬᎢ, ᎥᏝ ᎪᎱᏍᏗ ᎤᏍᏆᏂᎪᏗ ᏯᎩᎭ ᎦᏥᏲᏪᎳᏁᏗ ᎤᎬᏫᏳᎯ; ᎾᏍᎩ ᎢᏳᏍᏗ ᎢᏨᏯᏘᏃᎯᏏ, ᎠᎴ ᏂᎯ Ꮀ ᎤᎬᏫᏳᎭ ᎬᏩᏘᏃᎯᏏ, ᏣᎬᏫᏳᎯ ᎡᎩᎵᏈ, ᎾᏍᎩᏃ ᎡᏗᎪᎵᏰᎥᎯ ᎨᏎᏍᏗ, ᎪᎱᏍᏗ ᏰᎵ ᎬᏉᏪᎶᏗ ᎨᏎᏍᏗ.
Ngunit wala akong tiyak na maisusulat sa Emperador. Sa dahilang ito, dinala ko siya sa inyo, lalo na sa iyo, Haring Agripa, upang may maisulat ako tungkol sa kasong ito.
27 ᎥᏝᏰᏃ ᏱᏙᎬᏩᏳᎪᏗ ᎨᎵᎠ, ᎢᏳᏃ ᏱᎦᏓᏅᏍᎦ ᎠᎦᏘᏅᏍᏗᏱ ᎠᏴᎩ, ᎾᎩᏁᎢᏍᏔᏅᎾᏃ ᏱᎩ ᏄᏍᏛ ᎠᎫᎢᏍᏗᏍᎬᎢ.
Sapagkat parang hindi katanggap tanggap sa akin na ipadala ang isang bilanggo na hindi rin maipahayag ang mga bintang laban sa kaniya.”

< ᎨᏥᏅᏏᏛ ᏄᎾᏛᏁᎵᏙᎸᎢ 25 >