< Jeremias 49 >

1 Om Ammonitterne. Så siger Herren, har Israel ingen sønner eller har det ingen arvinger? Hvorfor har Milkom taget Gad i Eje og hans Folk bosat sig i dets Byer?
Tungkol sa mga tao ng Ammon, ito ang sinasabi ni Yahweh, “Wala bang mga anak ang Israel? Wala bang magmamana ng anumang bagay sa Israel? Bakit naninirahan si Molek sa Gad at naninirahan ang kaniyang mga tao sa mga lungsod nito?
2 Se, derfor skal Dage komme, lyder det fra HERREN, da jeg lader Krigsskrig lyde mod Rabba i Ammon, og det skal blive en Grusdynge, og dets Døtre skal gå op i Luer. Da arver Israel sine Arvinger, siger HERREN.
Kaya tingnan ninyo, darating ang mga araw—ito ang pahayag ni Yahweh—na patutunugin ko ang hudyat para sa digmaan laban sa Rabba sa mga tao ng Ammon, kaya ito ay magiging pinabayaang bunton at ang mga anak na babae nito ay magsisindi ng apoy. Sapagkat aangkinin ng Israel ang mga umangkin sa kaniya,” sinabi ni Yahweh.
3 Klag, Hesjbon, thi Aj er ødelagt; skrig, I Rabbas Døtre klæd jer i Sæk og klag, gå rundt i Foldene! Thi Milkom vandrer i Landflygtighed, hans Præster og Fyrster til Hobe.
“Humagulgol ka sa pagtangis, Hesbon, sapagkat mawawasak ang Ai! Sumigaw kayo, mga anak na babae ng Rabba! Magsuot kayo ng telang magaspang. Tumangis at magsitakbo kayo nang walang saysay sapagkat mabibihag si Molek kasama ng kaniyang mga pari at mga pinuno.
4 Hvorfor gør du dig til af dine Dale, du frafaldne Datter, som stoler på dine Skatte og siger: "Hvem kan komme til mig?"
Bakit ninyo ipinagmamalaki ang inyong lakas? Ang inyong lakas ay lilipas, mga anak na babaeng walang pananampalataya, kayo na nagtitiwala sa inyong kayamanan. Sinasabi ninyo, 'Sinong lalaban sa akin?'
5 Se, jeg lader Rædsel komme over dig fra alle Kanter, lyder det fra Hærskarers HERRE. I skal drives bort i hver sin Retning, og ingen samler de flygtende.
Tingnan ninyo, padadalhan ko kayo ng matinding takot—ito ang pahayag ni Yahweh, ang Panginoon ng mga hukbo—magmumula ang matinding takot na ito sa lahat ng pumapalibot sa inyo. Ang bawa't isa sa inyo ay kakalat sa harapan nito. Walang magtitipon sa mga tumatakbo palayo.
6 Men siden vender jeg Ammoniternes Skæbne, lyder det fra HERREN.
Ngunit pagkatapos nito, ibabalik ko ang kayamanan ng mga tao ng Amon—ito ang pahayag ni Yahweh.”
7 Om Edom. Så siger Hærskarers HERRE: Er der ikke mer Visdom i Teman, svigter de kloges Råd, er deres Visdom rådden?
Tungkol sa Edom, ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo, “Wala na bang karunungan na matatagpuan sa Teman? Naglaho na ba ang magandang payo mula sa mga may pang-unawa? Nawala na ba ang kanilang karunungan?
8 Fly, søg Ly i det dybe, I, som bor i Dedan! Thi Esaus Ulykke sender jeg over ham, Straffens Tid.
Tumakas kayo! Umalis kayo! Manatili sa mga butas sa lupa, mga naninirahan sa Dedan. Sapagkat dadalhin ko ang kapahamakan ni Esau sa kaniya sa panahon na parurusahan ko siya.
9 Gæstes du af Vinhøstmænd, levner de ej Efterslæt, af Tyve om Natten, ødelægger de, hvad de lyster.
Kung pumunta sa inyo ang mga taga-ani ng ubas, hindi ba magtitira sila ng kaunti? Kung dumating ang mga magnanakaw sa gabi, hindi ba nanakawin lamang nila ang kasindami ng naisin nila?
10 Thi selv blotter jeg Esau, hans Skjulesteder røber jeg; at gemme sig evner han ikke. Han er ødelagt ved Brødres og Naboers Arm, han er borte.
Ngunit hinubaran ko si Esau. Inilantad ko ang kaniyang mga taguan kaya hindi niya maitatago ang kaniyang sarili. Nilipol ang kaniyang mga anak, mga kapatid na lalaki at mga kapitbahay at siya ay wala na.
11 Lad mig om dine faderløse, jeg holder dem i Live, dine Enker kan stole på mig.
Iwan ninyo ang inyong mga ulilang anak. Iingatan ko ang kanilang buhay at mapagkakatiwalaan ako ng inyong mga balo.”
12 Thi så siger HERREN: Se, de, hvem det ikke tilkom at tømme Bægeret, må tømme det, og du skulde gå fri? Du går ikke fri, men kommer til at tømme det.
Sapagkat ito ang sinasabi ni Yahweh, “Tingnan ninyo, ang mga hindi nararapat dito ay dapat uminom ng kaunti sa tasa. Iniisip ba ninyo na aalis kayo ng walang kaparusahan? Hindi, sapagkat tiyak na iinom kayo.
13 Thi jeg sværger ved mig selv. lyder det fra HERREN: til Rædsel og Spot, til Ørk og til et Forbandelsens Tegn skal Bozra blive, og alle dets Byer skal blive til evige Tomter.
Sapagkat sumumpa ako sa aking sarili—ito ang pahayag ni Yahweh—na ang Bozra ay magiging katatakutan, kahihiyan, kasiraan at isang bagay na gagamitin sa pagsumpa. Ang lahat ng lungsod nito ay magiging wasak magpakailanman.
14 Fra HERREN har jeg hørt en Tidende: Et Bud skal sendes ud blandt Folkene: Samler eder! Drag ud imod det og rejs jer til Strid!
Narinig ko ang balita mula kay Yahweh, at isang mensahero ang ipinadala sa mga bansa, 'Magsama-sama kayo at salakayin siya. Maghanda kayo para sa digmaan.'
15 Se, ringe har jeg gjort dig iblandt Folkene, foragtet blandt Mennesker.
“Sapagkat tingnan ninyo, ginawa ko kayong maliit kumpara sa ibang bansa na kinasuklaman ng mga tao.
16 Rædsel over dig! Dit Hjertes Overmod bedrog dig. Du, som bor i Klippekløft og klynger dig til Fjeldtop: Bygger du Rede højt som Ørnen, jeg styrter dig ned, så lyder det fra HERREN.
Sa inyong pagiging nakakatakot, nilinlang kayo ng pagmamalaki ng inyong puso, kayong mga naninirahan sa mga lugar sa talampas, kayo na tumira sa mga pinakamataas na burol upang pataasin ang inyong mga pugad tulad ng agila. Ibababa ko kayo mula roon—ito ang pahayag ni Yahweh.
17 Edom skal blive til Rædsel; alle, der kommer forbi, skal slås af Rædsel og spotte over alle dets Sår.
Magiging katatakutan ang Edom sa lahat ng mapapadaan dito. Ang bawat taong iyon ay manginginig at susutsot dahil sa lahat ng kapahamakan nito.
18 Som det gik, da Sodoma og Gomorra og Nabobyerne omstyrtedes, siger HERREN, skal intet Menneske bo der, intet Menneskebarn dvæle der.
Katulad ng pagbagsak ng Sodoma at Gomora at ng kanilang mga kalapit na bayan,” sinasabi ni Yahweh, “wala ni isang titira roon; walang taong mananatili roon.
19 Som en Løve, der fra Jordans Stolthed skrider op til den stedsegrønne Græsgang, således vil jeg i et Nu drive dem bort derfra. Thi hvem er den udvalgte, jeg vil sætte over dem? Thi hvem er min Lige, og hvem kræver mig til Regnskab? Hvem er den Hyrde, der står sig mod mig?
Tingnan ninyo, aakyat siya na gaya ng isang leon na mula sa gubat ng Jordan papunta sa berdeng lupaing pastulan. Sapagkat bigla kong patatakbuhin ang Edom mula rito at maglalagay ako ng isang taong mapipiling mamahala rito. Sapagkat sino ang katulad ko, at sino ang magpapatawag sa akin? Anong pastol ang may kakayahang labanan ako?
20 Hør derfor det Råd, HERREN har for mod Edom, og de Tanker, han har mod Temans Indbyggere: Visselig skal Hjordens ringeste slæbes bort, visselig skal deres Græsgang forfærdes over dem.
“Kaya makinig kayo sa mga balak na ipinasya ni Yahweh laban sa Edom, ang mga balak na kaniyang binuo laban sa mga naninirahan sa Teman. Tiyak na kakaladkarin sila palayo, kahit na ang pinakamaliit na kawan. Magiging wasak na lugar ang kanilang mga lupang pastulan.
21 Ved Braget af deres Fald skal Jorden skælve; Skriget kan høres til det røde Hav.
Sa tunog ng kanilang pagbagsak, mayayanig ang mundo. Maririnig sa dagat ng Tambo ang tunog ng mga sigaw ng pagkabalisa.
22 Se, som en Ørn med udbredte Vinger svæver han over Bozra; og Edoms Heltes Hjerte bliver på hin Dag som en nødstedt Kvindes Hjerte.
Tingnan ninyo, may sasalakay na gaya ng isang agila, at lilipad pababa at ibubuka ang kaniyang pakpak sa Bozra. At sa araw na iyon, ang mga puso ng mga kawal ng Edom ay magiging katulad ng puso ng babaing malapit ng manganak.”
23 Om Damaskus. Til Skamme er Hamat og Arpad, thi de hører ond Tidende; de er ude af sig selv, i Uro som Havet, der ikke kan falde til Ro.
Tungkol sa Damasco: “Mapapahiya ang Hamat at Arpad sapagkat nakarinig sila ng balita ng kapahamakan. Natutunaw sila! Nabagabag sila katulad ng dagat, na hindi mapanatiling mapayapa.
24 Damaskus er modfaldent, vender sig til Flugt, Angst falder over det, Vånde og Veer griber det som en fødende Kvinde.
Naging napakahina ng Damasco. Tumatalikod ito upang tumakas; binalot ito ng matinding takot. Binalot ito ng pagkabalisa at sakit, katulad ng sakit ng babaing nanganganak.
25 Ve det! Forladt er den lovpriste By, Glædens Stad.
Sinasabi ng mga tao, 'Kumusta ang tanyag na lungsod, ang lungsod kung saan ako nagalak, hindi pa nililisan?'
26 Derfor falder dets Ynglinge på dets Torve, alle Krigsfolkene omkommer på hin Dag, lyder det fra Hærskarers HERRE.
Kaya ang mga binata nito ay babagsak sa mga plasa nito at lahat ng mandirigmang kalalakihan ay mamamatay sa araw na iyon—ito ang pahayag ni Yahweh ng mga Hukbo.”
27 Jeg sætter Ild på Damaskuss Mur, og den skal fortære Benhadads Borge.
“Sapagkat magsisindi ako ng apoy sa pader ng Damasco, at lalamunin nito ang mga matibay ng tanggulan ni Ben-hadad.”
28 Om Kedar og Hazors Riger, som Kong Nebukadrezar af Babel slog. Så siger HERREN: Kom og drag op mod Kedar, ødelæg Østens Sønner!
Tungkol sa Kedar at sa mga kaharian ng Hazor, ito ang sinasabi ni Yahweh kay Nebucadnezar (sasalakayin ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia ang mga lugar na ito): “Bumangon ka at salakayin ang Kedar at sirain ang mga taong iyon sa silangan.
29 Man skal tage deres Telte og Hjorde, deres Telttæpper, alle deres Kar, bortføre Kamelerne fra dem og råbe til dem: "Trindt om er Rædsel!"
Kukunin ng kaniyang hukbo ang kanilang mga tolda at ang kanilang mga kawan, ang kanilang mga tabing ng tolda at lahat ng kanilang mga kagamitan. Kukunin nila ang kanilang mga kamelyo mula sa mga tao ng Kedar at isisigaw sa kanila, 'Katakot-takot ang nasa lahat ng dako!”
30 Fly i Hast, søg Ly i det dybe, Hazors Borgere, lyder det fra HERREN. Thi kong Nebukadrezar af Babel har oplagt et Råd imod eder og undfanget en Tanke imod eder.
Tumakas kayo! Magpagala-gala kayo sa malayo! Manatili kayo sa mga butas sa lupa, mga nananahan sa Hazor—ito ang pahayag ni Yahweh— sapagkat bumuo ng plano si Nebucadnezar na hari ng Babilonia laban sa inyo. Tumakas kayo! Bumalik kayo!
31 Kom, drag op mod et roligt Folk, der bor i Tryghed, lyder det fra HERRREN, uden Porte og Slåer; de bor for sig selv.
Bumangon kayo! Salakayin ninyo ang bansang payapa, na naninirahan ng ligtas,” sinabi ni Yahweh. “Wala silang tarangkahan o rehas, at namumuhay ng mag-isa ang mga tao nito.
32 Deres Kameler gøres til Bytte, deres mange Hjorde til Rov. Jeg spreder dem, der har rundklippet Hår, for alle Vinde, og fra alle kanter bringer jeg Undergang over dem, lyder det fra HERREN.
Sapagkat ang kanilang mga kamelyo ay magiging nakaw, at ang kasaganaan ng kanilang ari-arian ay magiging nakaw sa digmaan. Pagkatapos ay ikakalat ko sa bawat hangin ang mga pumutol ng kanilang mga buhok at magdadala ako sa kanila ng kapahamakan mula sa bawat panig—ito ang pahayag ni Yahweh.
33 Hazor bliver Sjakalers Bo, en Ørken til evig Tid; der skal ej bo et Menneske, ej dvæle et Menneskebarn.
Magiging lungga ng asong-gubat ang Hazor, isang ganap na pinabayaang lupa. Walang maninirahan doon, walang taong mananatili roon.”
34 HERRENs Ord, som kom til Profeten Jeremias om Elam i Kong Zedekias af Judas første Regeringstid:
Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Jeremias na propeta tungkol sa Elam. Nangyari ito sa simula ng paghahari ni Zedekias na hari ng Juda, at sinabi niya,
35 Så siger Hærskarers HERRE: Jeg knækker Elams Bue, det ypperste af deres Kraft;
“Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga Hukbo: Tingnan ninyo, babasagin ko ang lalaking mamamana ng Elam, ang pangunahing bahagi ng kanilang kapangyarihan.
36 og jeg bringer over Elam de fire Vinde fra de fire Verdenshjørner og spreder dem for alle disse Vinde; der skal ikke være et Folk, som de bortdrevne Elamiter ikke kommer hen til.
Sapagkat dadalhin ko ang apat na hangin mula sa apat na sulok ng kalangitan at ikakalat ko ang mga tao ng Elam sa lahat ng hangin na iyon. Walang bansang hindi pupuntahan ng mga taong nakakalat mula sa Elam.
37 Jeg knuser dem foran deres Fjender og dem, der står dem efter Livet, og jeg sender Ulykke over dem, min glødende Vrede, lyder det fra HERREN. Jeg sender Sværdet efter dem, til jeg får dem udslettet.
Kaya dudurugin ko ang Elam sa harapan ng kaniyang kaaway at sa harapan ng mga naghahangad ng kaniyang buhay, sapagkat magdadala ako ng kapahamakan laban sa kanila, ang bagsik ng aking galit—ito ang pahayag ni Yahweh—at ipadadala ko ang espada hanggang sa mapuksa ko sila.
38 Jeg rejser min Trone i Elam og tilintetgør der både Konge og Fyrster, lyder det fra HERREN.
Pagkatapos ay ilalagay ko ang aking trono sa Elam at wawasakin ko roon ang hari at mga pinuno nito—ito ang pahayag ni Yahweh—
39 Men i de sidste Dage vender jeg Elams Skæbne, lyder det fra HERREN.
at mangyayari sa darating na araw na ibabalik ko ang kayamanan ng Elam—ito ang pahayag ni Yahweh.”

< Jeremias 49 >