< 2 Samuel 18 >

1 And David numbered the people that were with him, and set captains of thousands and captains of hundreds over them.
Binilang ni David ang mga sundalong kasama niya at nagtalga ng mga kapitan ng libu-libo at mga kapitan ng daan-daan.
2 And David sent forth the people, a third part under the hand of Joab, and a third part under the hand of Abishai the son of Zeruiah, Joab’s brother, and a third part under the hand of Ittai the Gittite. And the king said unto the people, I will surely go forth with you myself also.
Pagkatapos ipinadala ni David ang hukbo, isang-katlo sa ilalim ng pamumuno ni Joab, isa pang katlo sa ilalim ng pamumuno ni Abisai anak ni Zeruias, kapatid ni Joab at isa pa ring katlo sa ilalim ng pamumuno ni Itai na taga-Gat. Sinabi ng hari sa hukbo, “Titiyakin kong sasama rin ako sa inyo.”
3 But the people said, Thou shalt not go forth: for if we flee away, they will not care for us; neither if half of us die, will they care for us: but thou art worth ten thousand of us: therefore now it is better that thou be ready to succour us out of the city.
Pero sinabi ng kalalakihan, “Hindi ka dapat pumunta sa labanan, dahil kung tatakas kami hindi sila mag-aalala sa amin, o kung mamatay ang kalahati sa amin wala silang pakialam. Pero kasing halaga mo ang sampung libo sa amin!
4 And the king said unto them, What seemeth you best I will do. And the king stood by the gate side, and all the people went out by hundreds and by thousands.
Kaya mas mabuting maghanda kang tulungan kami mula sa lungsod.” Kaya sinagot sila ng hari, “Gagawin ko anuman ang pinakamabuti para sa inyo.” Tumayo ang hari sa tarangkahan ng lungsod habang lumabas ang buong hukbo nang daan-daan at libu-libo.
5 And the king commanded Joab and Abishai and Ittai, saying, Deal gently for my sake with the young man, even with Absalom. And all the people heard when the king gave all the captains charge concerning Absalom.
Inutusan ni David sina Joab, Abisai at Itai sa pagsasabing, “Makitungo nang malumanay alang-alang sa akin sa binata, kay Absalom.” Narinig ng lahat ng tao na ibinigay ng hari sa mga kapitan ang utos na ito tungkol kay Absalom.
6 So the people went out into the field against Israel: and the battle was in the forest of Ephraim.
Kaya lumabas ang hukbo sa kabukiran laban sa Israel; umabot ang labanan sa kagubatan ng Efraim.
7 And the people of Israel were smitten there before the servants of David, and there was a great slaughter there that day of twenty thousand men.
Natalo roon ang hukbo ng Israel sa harapan ng mga sundalo ni David; may isang matinding patayan doon sa araw na iyon nang dalawampung libong kalalakihan.
8 For the battle was there spread over the face of all the country: and the forest devoured more people that day than the sword devoured.
Umabot ang labanan hanggang sa buong kabukiran at mas maraming kalalakihan ang nilamon ng kagubatan kaysa ng espada.
9 And Absalom chanced to meet the servants of David. And Absalom rode upon his mule, and the mule went under the thick boughs of a great oak, and his head caught hold of the oak, and he was taken up between the heaven and the earth; and the mule that was under him went on.
Nagkataong nakasalubong ni Absalom ang ilan sa mga sundalo ni David. Nakasakay si Absalom sa kaniyang mola at napadaan ang mola sa ilalim ng makakapal na sanga ng isang malaking punong kahoy at sumabit ang kaniyang ulo sa mga sanga ng puno. Naiwan siyang nakabitin sa pagitan ng lupa at ng langit habang nagpatuloy sa pagtakbo ang kaniyang sinasakyang mola.
10 And a certain man saw it, and told Joab, and said, Behold, I saw Absalom hanging in an oak.
Nakita ito ng isang tao at sinabihan si Joab, “Tingnan, nakita kong nakabitin si Absalom sa isang punong kahoy!”
11 And Joab said unto the man that told him, And behold, thou sawest it, and why didst thou not smite him there to the ground? and I would have given thee ten [pieces of] silver, and a girdle.
Sinabi ni Joab sa taong nagsabi sa kaniya tungkol kay Absalom, “Tingnan mo! Nakita mo siya! Bakit hindi mo siya hinampas pababa sa lupa? Bibigyan sana kita ng sampung siklong pilak at isang sinturon.”
12 And the man said unto Joab, Though I should receive a thousand [pieces of] silver in mine hand, yet would I not put forth mine hand against the king’s son: for in our hearing the king charged thee and Abishai and Ittai, saying, Beware that none touch the young man Absalom.
Sumagot ang lalaki kay Joab, “Kahit na makatanggap ako ng isanglibong siklong pilak, hindi ko pa rin iaabot ang aking kamay laban sa anak ng hari, dahil narinig naming lahat na inutusan ka ng hari, si Abisai at si Itai, sa pagsasabing, 'Walang isa mang dapat gumalaw sa binatang si Absalom.'
13 Otherwise if I had dealt falsely against his life, (and there is no matter hid from the king, ) then thou thyself wouldest have stood aloof.
Kung inilagay ko sa panganib ang aking buhay sa pamamagitan ng isang kasinungalingan (at walang makukubli mula sa hari), pinabayaan mo nalang sana ako.”
14 Then said Joab, I may not tarry thus with thee. And he took three darts in his hand, and thrust them through the heart of Absalom, while he was yet alive in the midst of the oak.
Pagkatapos sinabi ni Joab, “Hindi na ako maghihintay sa iyo.” Kaya nagdala si Joab ng tatlong sibat sa kaniyang kamay at isinaksak ang mga ito sa puso ni Absalom, habang buhay pa siya at nakabitin mula sa kahoy.
15 And ten young men that bare Joab’s armour compassed about and smote Absalom, and slew him.
Pagkatapos pumaligid ang sampung binatang kalalakihang tagadala ng sandata ni Joab kay Absalom, sinalakay siya at pinatay.
16 And Joab blew the trumpet, and the people returned from pursuing after Israel: for Joab held back the people.
Pagkatapos hinipan ni Joab ang trumpeta at bumalik ang hukbo mula sa pagtugis sa Israel, dahil pinabalik ni Joab ang hukbo.
17 And they took Absalom, and cast him into the great pit in the forest, and raised over him a very great heap of stones: and all Israel fled every one to his tent.
Kinuha nila si Absalom at itinapon siya sa isang malaking hukay sa kagubatan; inilibing nila ang kaniyang katawan sa ilalim ng isang malaking tumpok ng mga bato, habang tumatakas ang buong Israel, ang bawat tao sa kanilang sariling tahanan.
18 Now Absalom in his life time had taken and reared up for himself the pillar, which is in the king’s dale: for he said, I have no son to keep my name in remembrance: and he called the pillar after his own name: and it is called Absalom’s monument, unto this day.
Ngayon si Absalom, Nang buhay pa siya, nagtayo siya para sa kaniyang sarili ng isang malaking haliging bato sa Lambak ng Hari, dahil sinabi niya, “Wala akong anak na lalaki para ipagpatuloy ang alaala ng aking pangalan.” Pinangalanan niya ang haligi kasunod sa kaniyang sariling pangalan, kaya tinawag itong Bantayog ni Absalom hanggang sa araw na ito.
19 Then said Ahimaaz the son of Zadok, Let me now run, and bear the king tidings, how that the LORD hath avenged him of his enemies.
Pagkatapos sinabi ni Ahimaaz anak na lalaki ni Zadok, “Pahintulutan mo akong tumakbo ngayon sa hari dala ang mabuting balita, kung paano siya iniligtas ni Yahweh mula sa kaniyang mga kaaway.”
20 And Joab said unto him, Thou shalt not be the bearer of tidings this day, but thou shalt bear tidings another day: but this day thou shalt bear no tidings, because the king’s son is dead.
Sinagot siya ni Joab, “Hindi ka magiging tagapagdala ng balita ngayon; dapat mong gawin ito sa ibang araw. Ngayon hindi ka magdadala ng balita dahil patay ang anak na lalaki ng hari.”
21 Then said Joab to the Cushite, Go tell the king what thou hast seen. And the Cushite bowed himself unto Joab, and ran.
Pagkatapos sinabi ni Joab sa isang Cusita, “Humayo ka, sabihin sa hari kung ano ang iyong nakita.” Yumukod ang Cusita kay Joab at tumakbo.
22 Then said Ahimaaz the son of Zadok yet again to Joab, But come what may, let me, I pray thee, also run after the Cushite. And Joab said, Wherefore wilt thou run, my son, seeing that thou wilt have no reward for the tidings?
Pagkatapos sinabing muli ni Ahimaaz anak na lalaki ni Zadok kay Joab, “Kahit anuman ang mangyari, pakiusap pahintulutan mo rin akong tumakbo at sundan ang Cusita.” Sumagot si Joab, “Bakit gusto mong tumakbo, anak ko, nakikitang wala kang gantimpala para sa balita?”
23 But come what may, [said he], I will run. And he said unto him, Run. Then Ahimaaz ran by the way of the Plain, and overran the Cushite.
“Anuman ang mangyayari,” sabi ni Ahimaaz, “Tatakbo ako.” Kaya sinagot siya ni Joab, “Takbo.” Pagkatapos tumakbo si Ahimaaz sa daan ng kapatagan at naunahan ang Cusita.
24 Now David sat between the two gates: and the watchman went up to the roof of the gate unto the wall, and lifted up his eyes, and looked, and, behold, a man running alone.
Ngayon nakaupo si David sa pagitan ng mga panloob at panlabas ng tarangkahan. Umakyat ang bantay sa bubong ng tarangkahan sa pader at itinaas ang kaniyang mata. Habang nakatingin siya, nakakita siya ng isang taong papalapit, mag-isang tumatakbo.
25 And the watchman cried, and told the king. And the king said, If he be alone, there is tidings in his mouth. And he came apace, and drew near.
Sumigaw ang bantay at sinabihan ang hari. Pagkatapos sinabi ng hari, “Kung nag-iisa siya, may balita sa kaniyang bibig.” Dumating ang mananakbo at lumapit sa lugnsod.
26 And the watchman saw another man running: and the watchman called unto the porter, and said, Behold, [another] man running alone. And the king said, He also bringeth tidings.
Pagkatapos napansin ng bantay ang isa pang taong tumatakbo at tinawag ng bantay ang bantay ng tarangkahan; sinabi niya, “Tingnan mo, may isa pang lalaking mag-isang tumatakbo.” Sinabi ng hari, “Nagdadala rin siya ng balita.”
27 And the watchman said, Me thinketh the running of the foremost is like the running of Ahimaaz the son of Zadok. And the king said, He is a good man, and cometh with good tidings.
Kaya sinabi ng bantay, “Sa palagay ko ang pagtakbo ng lalaking nasa harapan ay katulad ng pagtakbo ni Ahimaaz anak na lalaki ni Zadok.” Sinabi ng hari, “Mabuti siyang tao at parating siya na may mabuting balita.”
28 And Ahimaaz called, and said unto the king, All is well. And he bowed himself before the king with his face to the earth, and said, Blessed be the LORD thy God, which hath delivered up the men that lifted up their hand against my lord the king.
Pagkatapos sumigaw si Ahimaaz at sinabi sa hari, “Mabuti ang lahat.” At iniyukod niya ang kaniyang sarili sa harapan ng hari na nakadikit ang kaniyang mukha sa lupa at sinabing, “Pagpalain si Yahweh na iyong Diyos, na siyang nagbigay sa mga lalaking nagtaas ng kanilang kamay laban sa aking panginoong hari.”
29 And the king said, Is it well with the young man Absalom? And Ahimaaz answered, When Joab sent the king’s servant, even me thy servant, I saw a great tumult, but I knew not what it was.
Kaya sumagot ang hari, “Nasa mabuting kalagayan ba ang binatang si Absalom? Sumagot si Ahimaaz, “Nang pinadala ako ni Joab, ang lingkod ng hari, sa iyo, hari, nakita ko ang isang malaking kabalisahan, pero hindi ko alam kung ano ito.”
30 And the king said, Turn aside, and stand here. And he turned aside, and stood still.
Pagkatapos sinabi ng hari, “Lumihis at tumayo rito.” Kaya lumihis si Ahimaaz, at nanatiling nakatayo.
31 And, behold, the Cushite came; and the Cushite said, Tidings for my lord the king: for the LORD hath avenged thee this day of all them that rose up against thee.
Pagkatapos kaagad namang dumating ang Cusita at sinabing, “May mabuting balita para sa aking panginoong hari, dahil ipinaghiganti ka ni Yahweh sa araw na ito mula sa lahat ng nag-alsa laban sa iyo.”
32 And the king said unto the Cushite, Is it well with the young man Absalom? And the Cushite answered, The enemies of my lord the king, and all that rise up against thee to do thee hurt, be as that young man is.
Pagkatapos sinabi ng hari sa Cusita, “Nasa mabuting kalagayan ba ang binatang si Absalom?” Sumagot ang Cusita, “Ang mga kaaway ng aking panginoong hari at ang lahat nang nag-alsa laban sa iyo, ay dapat matulad pinsala na nangyari sa binatang iyon.”
33 And the king was much moved, and went up to the chamber over the gate, and wept: and as he went, thus he said, O my son Absalom, my son, my son Absalom! would God I had died for thee, O Absalom, my son, my son!
Pagkatapos kinabahan nang matindi ang hari at umakyat siya sa silid sa itaas ng tarangkahan at umiyak. Habang lumalakad nagdalamhati siya, “Absalom anak ko, anak ko, anak kong si Absalom! Ako nalang sana ang namatay sa halip na ikaw, Absalom, anak ko, anak ko!”

< 2 Samuel 18 >