< Zechariah 2 >

1 Then lifted I up mine eyes and looked, and lo! a Man, —and, in his hand, a Measuring Line.
At aking itinanaw ang aking mga mata, at aking nakita at, narito, ang isang lalake na may panukat na pisi sa kaniyang kamay.
2 And I said, Whither art thou going? And he said unto me, To measure Jerusalem, to see what [should be] the breadth thereof, and what the length thereof.
Nang magkagayo'y sinabi ko, Saan ka paroroon? At sinabi niya sa akin, Upang sukatin ang Jerusalem, upang tingnan kung gaano ang luwang, at kung gaano ang haba.
3 And lo! the messenger who was talking with me, coming forward, —and another messenger, coming forward to meet him.
At, narito, ang anghel na nakikipagusap sa akin ay umalis, at ibang anghel ay lumabas na sumalubong sa kaniya,
4 So he said unto him, Run, speak unto this young man, saying: Like open villages, shall Jerusalem remain, for the multitude of men and cattle in her midst;
At sinabi sa kaniya, Tumakbo ka, iyong salitain sa binatang ito, na sabihin, Ang Jerusalem ay tatahanan na parang mga nayon na walang mga kuta, dahil sa karamihan ng mga tao at hayop doon.
5 And, I, will become to her, declareth Yahweh, A wall of fire round about, —and, a glory, will I become in her midst.
Sapagka't ako, sabi ng Panginoon, ay magiging sa kaniya'y isang kutang apoy sa palibot, at ako'y magiging kaluwalhatian sa gitna niya.
6 Ho! ho! flee ye, therefore, out of the land of the North, urgeth Yahweh. For, as the four winds of the heavens, have I spread you abroad, declareth Yahweh.
Oy, oy, magsitakas kayo mula sa lupain ng hilagaan, sabi ng Panginoon; sapagka't kayo'y aking pinangalat na parang apat na hangin sa himpapawid, sabi ng Panginoon.
7 Ho! Zion, deliver thyself, —thou that dwellest with the daughter of Babylon. For,
Oy Sion, tumanan ka, ikaw na tumatahan na kasama ng anak na babae ng Babilonia.
8 Thus, saith Yahweh of hosts, For his own honour, hath he sent me unto the nations that are spoiling you, —Surely, he that toucheth you, toucheth the pupil of mine eye.
Sapagka't ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: Dahil sa kaluwalhatian ay sinugo niya ako sa mga bansa na nanamsam sa inyo; sapagka't ang humihipo sa inyo, ay humihipo sa itim ng kaniyang mata.
9 For behold me! brandishing my hand over them, and they shall become a spoil unto their own slaves, —and ye shall know that, Yahweh of hosts, hath sent me.
Sapagka't narito, aking ikukumpas ang aking kamay sa kanila, at sila'y magiging samsam niyaong nangaglilingkod sa kanila; at inyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ang nagsugo sa akin.
10 Sing out and rejoice, O daughter of Zion, —For behold me! coming in, and I will make my habitation in thy midst, declareth Yahweh.
Ikaw ay umawit at magalak, Oh anak na babae ng Sion; sapagka't narito, ako'y naparirito, at ako'y tatahan sa gitna mo, sabi ng Panginoon.
11 Then shall many nations, join themselves, unto Yahweh, in that day, and shall become my people, —and I will make my habitation in thy midst, so shalt thou know that, Yahweh of hosts, hath sent me unto thee.
At maraming bansa ay magpipisan sa Panginoon sa araw na yaon, at magiging aking bayan; at ako'y tatahan sa gitna mo, at iyong malalaman na ang Panginoon ng mga hukbo ay siyang nagsugo sa akin sa iyo.
12 Thus will Yahweh inherit Judah, his portion, on the soil of the sanctuary, —and make choice, yet again, of Jerusalem.
At mamanahin ng Panginoon ang Juda na pinaka bahagi niya sa banal na lupain at pipiliin pa ang Jerusalem.
13 Hush! all flesh, before Yahweh, —For he hath roused himself up out of his holy dwelling.
Tumahimik ang lahat na tao, sa harap ng Panginoon; sapagka't siya'y gumising na sa kaniyang banal na tahanan.

< Zechariah 2 >