< 2 Samuel 8 >

1 David défit ensuite les Philistins, abattit leur puissance et leur enleva Métheg-Haamma.
Matapos mangyari ito sinalakay ni David ang Filisteo at tinalo sila. Kaya nakuha ni David ang Gat at mga nayon nito mula sa pamamahala ng mga taga-Filisteo.
2 Puis il vainquit les Moabites et les mesura au cordeau, les faisant coucher par terre et destinant deux lots à la mort, un lot à la vie sauve; et Moab fut assujetti à David et devint son tributaire.
Pagkatapos tinalo niya ang Moab at sinukat ang kanilang mga kalalakihan gamit ang isang tali sa pamamagitan ng pagpapahiga sa kanila sa lupa. Sinukat niya ng dalawang tali para ipapatay, at ang isang buong tali ay para panatilihing buhay. Kaya naging mga lingkod ni David ang mga taga-Moab at sinumulan siyang bigyan ng pagkilala.
3 Puis David battit Hadadézer, fils de Rehob, roi de Çoba, tandis qu’il marchait vers l’Euphrate pour étendre sa domination.
Pagkatapos tinalo ni David si Hadadezer lalaking anak ni Rehob, na hari ng Soba, habang naglalakbay para bawiin ang kaniyang pamumuno sa Ilog ng Eufrates.
4 David lui captura mille sept cents cavaliers et vingt mille hommes de pied, fit mutiler tous les attelages, et n’en conserva que cent.
Binihag ni David mula sa kaniya ang 1, 700 karwahe at 20, 000 kalalakihang naglalakad. Pinilay lahat ni David ang mga kabayo ng karwaheng pandigma, pero naglaan siya ng isandaang karwahe na sapat para sa kanila.
5 La Syrie de Damas vint au secours de Hadadézer, roi de Çoba; David tua aux Syriens vingt-deux mille hommes.
Nang dumating ang mga Arameo ng Damasco para tulungan si Hadadezer na hari ng Soba, pinatay ni David ang dalawampu't dalawang libong kalalakihan ng Arameo.
6 il mit ensuite des garnisons dans la Syrie de Damas, qui devint sujette et tributaire de David. Ainsi le Seigneur protégeait David dans toutes ses campagnes.
Pagkatapos inilagay ni David ang mga kuta sa Aram ng Damasco, at naging mga lingkod niya ang mga Arameo at siya ay kinilala. Ibinigay ni Yahweh ang tagumpay kay David saan man siya magtungo.
7 David s’empara des boucliers d’or appartenant aux serviteurs de Hadadézer, et les transporta à Jérusalem.
Kinuha ni David ang mga gintong kalasag na nasa mga lingkod ni Hadadezer at dinala ang mga ito sa Jerusalem.
8 Egalement de Bétah et de Bérotaï, villes de Hadadézer, le roi David emporta du cuivre en grande quantité.
Kinuha ni Haring David ang napakaraming tanso, mula sa Betaat Berotai, mga lungsod ni Hadadezer.
9 Toï, roi de Hamath, ayant appris que David avait défait toute l’armée de Hadadézer,
Nang narinig ni Toi, hari ng Hamat na tinalo ni David ang buong hukbo ni Hadadezer,
10 envoya son fils Joram au roi David, pour le saluer et le féliciter d’avoir combattu et vaincu Hadadézer, car celui-ci était en guerre avec Toï. Il lui envoyait en même temps des vases d’argent, d’or et de cuivre.
pinadala ni Toi ang kaniyang anak na lalaki na si Hadoram kay Haring David para batiin at purihin siya, dahil nakipaglaban si David kay Hadadezer at tinalo niya ito, at dahil nakipagdigmaan si Hadadezer laban kay Toi. Kasamang daladala ni Hadoram ang pilak, ginto at tanso.
11 Ceux-là aussi, le roi David les consacra à l’Eternel, comme il avait consacré l’argent et l’or de tous les peuples qu’il avait soumis:
Hinandog ni Haring David ang mga bagay na ito kay Yahweh, kasama ang pilak at ginto mula sa lahat ng mga bansa na kaniyang nasakop—
12 des Syriens, des Moabites, des Ammonites, des Philistins, des Amalécites, comme le butin pris sur Hadadézer, fils de Rehob, roi de Çoba.
mula sa Aram, Moab, mga bayan ng Ammon, mga taga-Filisteo, at Amalek, kasama ang lahat ng mga gamit na nakuha sa panloloob ni Hadadezer na anak na lalaki ni Rehob, ang hari ng Soba.
13 Quand il revint de battre la Syrie, David se fit encore un nom en battant dix-huit mille hommes dans la vallée du Sel.
Naging tanyag ang pangalan ni David nang bumalik siya mula sa pananakop sa mga Arameo sa lambak ng Asin, kasama ang kanilang labing walong libong tauhan.
14 Il mit des garnisons dans l’Idumée, il en mit dans toute l’Idumée, qu’il assujettit tout entière. Et le Seigneur protégea David dans toutes ses voies.
Inilagay niya ang mga kuta sa buong Edom, at naging lingkod niya ang lahat ng mga taga-Edom. Ibinigay ni Yahweh ang tagumpay kay David saan man siya nagtungo.
15 David régna sur tout Israël, et il gouverna tout son peuple avec justice et équité.
Naghari si David sa buong Israel, at ipinatupad niya ang katarungan at katuwiran sa lahat ng kaniyang mga tao.
16 Joab, fils de Cerouya, était chef de l’armée; Josaphat, fils d’Ahiloud, archiviste;
Naging pinuno ng hukbo si Joab anak na lalaki ni Zeruias, at naging tagapagtala si Jehoshafat anak na lalaki ni Ahilud.
17 Çadok, fils d’Ahitoub, et Ahimélec, fils d’Ebiatar, prêtres; Seraïa, secrétaire;
Naging pari sina Zadok anak na lalaki ni Ahitub at Ahimelec anak na lalaki ni Abiatar, at naging manunulat si Seraya.
18 Benaïahou, fils de Joïada, avec les Krêthi et Pelêthi; et les fils de David, ministres.
Namuno si Benaias anak na lalaki ni Joaida sa mga Kereteo at mga Peleteo, at naging punong tagapayo ng hari ang mga anak na lalaki ni David.

< 2 Samuel 8 >