< Sakarias 11 >

1 Lat op dine porter, Libanon, så ilden kan fortære dine sedrer!
Buksan mo ang iyong mga pintuan Lebanon, upang tupukin ng apoy ang iyong mga sedar!
2 Jamre dig, du cypress, fordi sederen er falt, fordi de herlige trær er ødelagt! Jamre eder, I Basans eker, fordi den utilgjengelige skog er felt!
Managhoy kayong mga puno ng sipres, sapagkat nabuwal na ang mga puno ng sedar! Ang dating karangyaan ay ganap nang nawasak. Managhoy kayo, mga ensina ng Bashan, sapagkat bumagsak na ang matatag na kagubatan.
3 Hør hvor hyrdene jamrer fordi deres herlighet er ødelagt! Hør hvor de unge løver brøler fordi Jordans prakt er ødelagt.
Humahagulgol ang mga pastol sapagkat nawasak na ang kanilang kaluwalhatian. Ang tinig ng batang leon ay umaatungal sapagkat ganap nang nawasak ang ipinagmamalaki ng Ilog Jordan!
4 Så sa Herren min Gud: Røkt slaktefårene!
Ito ang sinabi ni Yahweh na aking Diyos: “Katulad ng isang pastol na nagbabantay sa mga kawan na nakatalaga para katayin.
5 De som kjøper dem, slakter dem uten å bøte for det, og de som selger dem, sier: Lovet være Herren! nu blir jeg rik; og deres hyrder sparer dem ikke.
(Ang sinumang bumili at kumatay sa mga ito ay hindi maparurusahan, at sasabihin ng mga nagbenta sa mga ito 'Purihin si Yahweh! Ako ay naging mayaman! Sapagka't walang awa sa kanila ang mga pastol na nagtatrabaho para sa kawan ng may ari.)
6 For jeg vil ikke mere spare landets innbyggere, sier Herren; men jeg vil overgi menneskene i hverandres hender og i hendene på deres konge, og de skal herje landet, og jeg vil ikke redde nogen av deres hånd.
Sapagkat hindi na ako maaawa sa mga naninirahan sa lupain!” —Ito ang pahayag ni Yahweh” Tingnan mo! Ako mismo ang magpapasakamay ng bawat tao sa mga kamay ng kaniyang kapwa at sa mga kamay ng kaniyang hari. Wawasakin nila ang lupain. Hindi ko sasagipin ang Juda mula sa kanilang kamay.”
7 Så røktet jeg slaktefårene, endog de usleste av fårene; og jeg tok mig to staver, den ene kalte jeg liflighet, og den andre kalte jeg bånd, og jeg røktet fårene,
Kaya ako ang naging pastol ng mga kawan na itinalaga upang katayin, para sa mga nagbebenta ng tupa. Kumuha ako ng dalawang tungkod; ang isang tungkod ay tinawag kong “Kagandahang loob” at ang isa ay tinawag kong “Pagkakaisa.” Sa ganitong paraan ko ipapastol ang mga kawan.
8 og jeg gjorde de tre hyrder til intet i én måned. Jeg blev lei av dem, og de likte heller ikke mig,
Pinatay ko ang tatlong pastol sa loob ng isang buwan, at napagod na ako sa mga may-ari ng tupa, sapagkat kinasuklaman din nila ako.
9 og jeg sa: Jeg vil ikke lenger røkte eder; det som er nær ved å dø, får dø, og det som er nær ved å bli tilintetgjort, får bli tilintetgjort, og de som blir igjen, får fortære hverandres kjøtt.
At sinabi ko sa mga may-ari, “Hindi na ako makapagtatagal na magtatrabaho sa inyo bilang isang pastol. Ang mga tupang namamatay hayaan silang mamatay; ang mga tupang napapahamak hayaan silang mapahamak. Hayaan ang mga naiwang tupa na kakainin ang laman ng kanilang kapwa.”
10 Så tok jeg min stav liflighet og brøt den i stykker for å gjøre den pakt til intet som jeg hadde gjort med alle folkene.
Kaya kinuha ko ang aking tungkod ng “Kagandahang loob” at binali ito upang baliin ang kasunduan na aking ginawa sa lahat ng aking mga tribu.
11 Og den blev gjort til intet på den dag; og således skjønte de usleste av fårene, de som aktet på mig, at det var Herrens ord.
Sa araw na iyon ang kasunduan ay nabali, at nalaman ng mga nagtitinda ng tupa at ng mga nanonood sa akin na si Yahweh ang nagsasabi.
12 Derefter sa jeg til dem: Om I så synes, så gi mig min lønn, men hvis ikke, så la det være! Så veide de op til mig min lønn, tretti sølvpenninger.
Sinabi ko sa kanila na “Kung sa palagay ninyong makakabuti sa inyo, bayaran ninyo ang aking sahod. Ngunit kung hindi, huwag ninyong gawin ito.”Kaya tinimbang nila ang aking sahod, tatlumpung piraso ng pilak.
13 Da sa Herren til mig: Kast den bort til pottemakeren, den herlige pris som jeg er aktet verd av dem! Og jeg tok de tretti sølvpenninger og kastet dem i Herrens hus til pottemakeren.
Pagkatapos sinabi ni Yahweh sa akin, “ilagay mo ang pilak sa kabang-yaman, ang pinakamahusay na halaga na halagang ibinigay nila sa iyo!” Kaya kinuha ko ang tatlumpung piraso ng pilak at inilagay ko sa kabang-yaman sa tahanan ni Yahweh.
14 Så brøt jeg i stykker min andre stav bånd for å gjøre brorskapet mellem Juda og Israel til intet.
Pagkatapos binali ko ang aking pangalawang tungkod ng “Pagkakaisa,” upang baliin ang pagkakapatiran sa pagitan ng Juda at Israel.
15 Og Herren sa til mig: Ta dig atter en stav - en dårlig hyrdes stav!
Sinabi sa akin ni Yahweh, “Muli, kunin mo ang mga kagamitan ng isang hangal na pastol para sa iyong sarili.
16 For se, jeg lar en hyrde stå frem i landet, en som ikke ser til de får som er nær ved å omkomme, ikke søker efter det som er bortkommet, og ikke læger det som har fått skade, og ikke sørger for det som holder sig oppe, men eter kjøttet av de fete og endog bryter deres klover i stykker.
Sapagkat tingnan mo, magtatalaga ako ng isang pastol sa lupain, hindi niya pangangalagaan ang mga napapahamak na tupa. Hindi niya hahanapin ang nawawalang tupa o gagamutin man ang mga pilay na tupa. Hindi niya pakakainin ang malusog na tupa, ngunit kakainin niya ang laman ng mga pinatabang tupa at tinatanggal ang kanilang mga kuko.
17 Ve den dårlige hyrde, som forlater fårene! Sverd over hans arm og over hans høire øie! Hans arm skal visne bort, og hans høire øie skal utslukkes.
Aba sa mga walang kabuluhang pastol na pinapabayaan ang kawan! Dumating nawa ang espada laban sa kaniyang braso at sa kaniyang kanang mata. Matutuyo nawa ang kaniyang braso at mabubulag nawa ang kaniyang kanang mata!”

< Sakarias 11 >