< Ezekiel 8 >

1 At nangyari nang ikaanim na taon, nang ikaanim na buwan, nang ikalima ng buwan, ako'y nakaupo sa aking bahay, at ang mga matanda sa Juda ay nangakaupo sa harap ko, na ang kamay ng Panginoong Dios ay dumating sa akin doon.
And it happened that, in the sixth year, in the sixth month, on the fifth of the month, I was sitting in my house, and the elders of Judah were sitting before me, and the hand of the Lord God fell upon me there.
2 Nang magkagayo'y tumingin ako, at, narito, may isang anyo na parang apoy; mula sa anyo ng kaniyang mga balakang at paibaba, ay apoy; at mula sa kaniyang mga balakang at paitaas, parang anyo ng kinang, na parang metal na nagbabaga.
And I saw, and behold, there was an image with the appearance of fire. From the appearance of his waist, and downward, there was fire. And from his waist, and upward, there was the appearance of splendor, like the sight of amber.
3 At kaniyang inilabas ang anyo ng isang kamay, at hinawakan ako sa buhok ng aking ulo; at itinaas ako ng Espiritu sa pagitan ng lupa at ng langit, at dinala ako sa pangitain na mula sa Dios sa Jerusalem, sa pintuan ng pintuang-daan ng pinakaloob na looban na nakaharap sa dakong hilagaan; na kinaroroonan ng upuan ng larawan ng panibugho, na namumungkahi sa paninibugho.
And as the image of a hand went out, it took hold of me by a lock of my head. And the Spirit lifted me up between earth and heaven. And he brought me into Jerusalem, within a vision of God, next to the inner gate that looked toward the north, where there was stationed an idol of rivalry, so as to provoke an envious emulation.
4 At, narito, ang kaluwalhatian ng Dios ng Israel ay nandoon, gaya ng anyo na aking nakita sa kapatagan.
And behold, the glory of the God of Israel was there, in accord with the vision that I had seen in the plain.
5 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, itingin mo ang iyong mga mata ngayon sa daan na dakong hilagaan. Sa gayo'y itiningin ko ang aking mga mata sa daan na dakong hilagaan, at narito, nasa dakong hilagaan ng pintuang-daan ng dambana ang larawang ito ng panibugho sa pasukan.
And he said to me: “Son of man, lift up your eyes to the way of the north.” And I lifted up my eyes to the way of the north. And behold, from the north of the gate of the altar was the idol of rivalry, at the same entrance.
6 At sinabi niya sa akin, Anak ng tao, nakikita mo baga ang kanilang ginagawa? ang malaking kasuklamsuklam na ginagawa ng sangbahayan ni Israel dito, upang ako'y lumayo sa aking santuario? Nguni't iyo muling makikita pa ang ibang mga malalaking kasuklamsuklam.
And he said to me: “Son of man, you see what these ones are doing, the great abominations that the house of Israel is committing here. Do you not think, then, that I should withdraw far away from my own sanctuary? But if you turn again, you will see even greater abominations.”
7 At dinala niya ako sa pintuan ng looban; at nang ako'y tumingin, narito, ang isang butas sa pader.
And he led me in by the door of the atrium. And I saw, and behold, there was an opening in the wall.
8 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, humukay ka ngayon sa pader: at nang ako'y humukay sa pader, narito, ang isang pintuan.
And he said to me: “Son of man, dig in the wall.” And when I had dug in the wall, there appeared one door.
9 At sinabi niya sa akin, Ikaw ay pumasok, at tingnan mo ang mga masamang kasuklamsuklam na kanilang ginagawa rito.
And he said to me: “Enter and see the most wicked abominations which they are committing here.”
10 Sa gayo'y pumasok ako at nakita ko; at narito, ang bawa't anyo ng nagsisiusad na mga bagay, at kasuklamsuklam na mga hayop, at lahat ng mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel, na nakaguhit sa pader sa palibot.
And entering, I saw, and behold, every kind of image of reptiles and animals, the abominations, and all of the idols of the house of Israel were depicted on the wall all around, throughout the entire place.
11 At nagsitayo sa harap nila ang pitong pung lalake sa mga matanda ng sangbahayan ni Israel; at sa gitna nila ay tumayo si Jaazanias na anak ni Saphan, bawa't lalake ay may kaniyang pangsuub sa kaniyang kamay; at ang amoy ng usok ng kamangyan ay napailanglang.
And there were seventy men out of the elders of the house of Israel, with Jaazaniah, the son of Shaphan, standing in their midst, and they stood before the pictures. And each one had a censer in his hand. And a cloud of smoke rose up from the incense.
12 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Anak ng tao, nakikita mo baga kung anong ginagawa ng mga matanda ng sangbahayan ni Israel sa kadiliman, bawa't isa'y sa kaniyang mga silid na nilarawanan? sapagka't kanilang sinasabi, Hindi tayo nakikita ng Panginoon; pinabayaan ng Panginoon ang lupa.
And he said to me: “Certainly, son of man, you see what the elders of the house of Israel are doing in the darkness, each one while hidden in his chamber. For they say: ‘The Lord does not see us. The Lord has forsaken the earth.’”
13 Sinabi rin niya sa akin, Iyong muling makikita pa ang mga ibang malaking kasuklamsuklam na kanilang ginagawa.
And he said to me: “If you turn again, you will see even greater abominations, which these ones are committing.”
14 Nang magkagayo'y dinala niya ako sa pintuan ng pintuang-daan ng bahay ng Panginoon na nasa dakong hilagaan; at, narito, doo'y nangaupo ang mga babae na iniiyakan si Tammuz.
And he led me in through the door of the gate of the Lord’s house, which looked toward the north. And behold, women were sitting there, mourning for Adonis.
15 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Nakita mo baga ito, Oh anak ng tao? iyo pa muling makikita ang lalong malaking mga kasuklamsuklam kay sa mga ito.
And he said to me: “Certainly, son of man, you have seen. But if you turn again, you will see even greater abominations than these.”
16 At dinala niya ako sa pinakaloob na looban ng bahay ng Panginoon, at, narito, sa pintuan ng templo ng Panginoon sa pagitan ng malaking pintuan at ng dambana, ay may dalawang pu't limang lalake, na sila'y nakatalikod sa dako ng templo ng Panginoon, at nakaharap sa dakong silanganan; at kanilang sinasamba ang araw sa dakong silanganan.
And he led me into the inner atrium of the house of the Lord. And behold, at the door of the temple of the Lord, between the vestibule and the altar, there were about twenty-five men with their backs toward the temple of the Lord, and their faces toward the east. And they were adoring toward the rising of the Sun.
17 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Nakita mo baga ito, Oh anak ng tao? Magaan bagang bagay sa sangbahayan ni Juda, na sila'y nagsisigawa ng mga kasuklamsuklam na kanilang ginagawa dito? sapagka't kanilang pinuno ng karahasan ang lupa, at sila'y nangagbalik uli upang mungkahiin ako sa galit: at, narito, kanilang inilalagay ang sanga sa kanilang ilong.
And he said to me: “Certainly, son of man, you have seen. Can this be so trivial to the house of Judah, when they commit these abominations, just as they have committed here, that, having filled the earth with iniquity, they now turn to provoke me? And behold, they are applying a branch to their nose.
18 Kaya't akin namang gagawin sa kapusukan; ang aking mata ay hindi magpapatawad, o mahahabag man ako: at bagaman sila'y nagsisidaing sa aking pakinig ng malakas na tinig, gayon ma'y hindi ko sila didinggin.
Therefore, I also will act toward them in my fury. My eye will not be lenient, nor will I take pity. And when they will have cried out to my ears with a loud voice, I will not heed them.”

< Ezekiel 8 >