< Jeremias 36 >

1 Nangyari ito sa ika-apat na taon ni Jehoiakim na anak ni Josias na hari ng Juda, na dumating ang salitang ito kay Jeremias mula kay Yahweh, at sinabi niya,
Et factum est in anno quarto Ioakim filii Iosiae regis Iuda: factum est verbum hoc ad Ieremiam a Domino, dicens:
2 “Kumuha ka nang isang kasulatang balumbon para sa iyong sarili at isulat dito ang lahat ng mga salitang sinabi ko sa iyo tungkol sa Israel at Juda, at bawat bansa. Gawin ito para sa lahat ng sinabi ko mula sa mga araw ni Josias hanggang sa araw na ito.
Tolle volumen libri, et scribes in eo omnia verba, quae locutus sum tibi adversum Israel et Iuda, et adversum omnes gentes: a die, qua locutus sum ad te ex diebus Iosiae usque ad diem hanc:
3 Marahil, pakikinggan ng mga tao ng Juda ang lahat ng mga sakuna na nais kong dalhin sa kanila. Marahil, tatalikod ang bawat isa mula sa kaniyang masamang landas, kaya patatawarin ko ang kanilang kasamaan at kanilang kasalanan.”
Si forte audiente domo Iuda universa mala, quae ego cogito facere eis, revertatur unusquisque a via sua pessima: et propitius ero iniquitati, et peccato eorum.
4 At ipinatawag ni Jeremias si Baruc na anak ni Nerias at isinulat ni Baruc sa isang kasulatang balumbon, sa pagsasalaysay ni Jeremias, ang lahat ng mga salita ni Yahweh na sinabi sa kaniya.
Vocavit ergo Ieremias Baruch filium Neriae: et scripsit Baruch ex ore Ieremiae omnes sermones Domini, quos locutus est ad eum in volumine libri:
5 Kasunod nito, nagbigay ng utos si Jeremias kay Baruc. Sinabi niya, “Nasa kulungan ako at hindi makakapunta sa tahanan ni Yahweh.
et praecepit Ieremias Baruch, dicens: Ego clausus sum, nec valeo ingredi domum Domini.
6 Kaya kailangan mong pumunta at basahin mula sa kasulatang balumbon na iyong isinulat mula sa aking pagsasalaysay. Sa araw ng pag-aayuno, kailangan mong basahin sa kaniyang tahanan ang mga salita ni Yahweh sa pakikinig ng mga tao, at sa pakikinig ng buong Juda na dumating mula sa kanilang mga lungsod. Ipahayag mo ang mga salitang ito sa kanila.
Ingredere ergo tu, et lege de volumine, in quo scripsisti ex ore meo verba Domini audiente populo in domo Domini in die ieiunii: insuper et audiente universo Iuda, qui veniunt de civitatibus suis, leges eis:
7 Marahil, ang kanilang pagsamo ng habag ay makakarating sa harapan ni Yahweh. Marahil, ang bawat tao ay tatalikod mula sa kanilang masasamang gawa, dahil matindi ang poot at galit na ipinahayag ni Yahweh laban sa mga taong ito.”
Si forte cadat oratio eorum in conspectu Domini, et revertatur unusquisque a via sua pessima: quoniam magnus furor et indignatio est, quam locutus est Dominus adversus populum hunc.
8 Kaya ginawa ni Baruc na anak ni Nerias ang lahat ng iniutos ni propeta Jeremias na kaniyang gagawin. Binasa niya ng malakas ang mga salita ni Yahweh sa tahanan ni Yahweh.
Et fecit Baruch filius Neriae iuxta omnia, quae praeceperat ei Ieremias propheta, legens ex volumine sermones Domini in domo Domini.
9 Nangyari ito sa ika-limang taon at ika-siyam na buwan ni Jehoiakim na anak ni Josias, na hari ng Juda, na ang lahat ng mga tao sa Jerusalem at ang mga tao na dumating sa Jerusalem sa mga lungsod ng Juda na nagpahayag ng pag-aayuno sa pagpaparangal kay Yahweh.
Factum est autem in anno quinto Ioakim filii Iosiae regis Iuda, in mense nono: praedicaverunt ieiunium in conspectu Domini omni populo in Ierusalem, et universae multitudini, quae confluxerat de civitatibus Iuda in Ierusalem.
10 Binasa ni Baruc ng malakas ang mga salita ni Jeremias sa tahanan ni Yahweh, mula sa silid ni Gemarias na anak ni Safan na eskriba, sa itaas ng patyo, malapit sa tarangkahan patungo sa tahanan ni Yahweh. Ginawa niya ito sa pakikinig ng lahat ng mga tao.
Legitque Baruch ex volumine sermones Ieremiae in domo Domini in gazophylacio Gamariae filii Saphan scribae, in vestibulo superiori, in introitu portae novae domus Domini audiente omni populo.
11 Ngayon, si Micaias na anak ni Gemarias na anak ni Safan ay narinig ang lahat ng mga salita ni Yahweh sa kasulatang balumbon.
Cumque audisset Michaeas filius Gamariae filii Saphan omnes sermones Domini ex libro:
12 Bumaba siya sa tahanan ng hari, sa silid ng kalihim. Tingnan ninyo, lahat ng mga opisyal ay nakaupo roon, si Elisama na eskriba, si Delaias na anak ni Semias, si Elnatan na anak ni Acbor, si Gemarias na anak ni Safan at Zedekias na anak ni Hananias at ang lahat ng mga opisyal.
descendit in domum regis ad gazophylacium scribae: et ecce ibi omnes principes sedebant: Elisama scriba, et Dalaias filius Semeiae, et Elnathan filius Achobor, et Gamarias filius Saphan, et Sedechias filius Hananiae, et universi principes.
13 At ibinalita ni Micaias sa kanila ang lahat ng mga salita na kaniyang narinig na binasa ng malakas ni Baruc sa pakikinig ng mga tao.
Et nunciavit eis Michaeas omnia verba, quae audivit legente Baruch ex volumine in auribus populi.
14 Kaya ipinadala ng lahat ng mga opsiyal si Jehudi na anak ni Netanias na anak ni Selemias na anak ni Cusi kay Baruc. Sinabi ni Jehudi kay Baruc, “Kunin mo ang kasulatang balumbon na iyong binasa sa pakikinig ng mga tao at ikaw ay lumapit.” Kaya kinuha ni Baruc na anak ni Nerias ang kasulatang binalumbon at pumunta sa mga opisyal.
Miserunt itaque omnes principes ad Baruch, Iudi filium Nathaniae filii Selemiae, filii Chusi, dicentes: Volumen, ex quo legisti audiente populo, sume in manu tua, et veni. Tulit ergo Baruch filius Neriae volumen in manu sua, et venit ad eos.
15 At sinabi nila sa kaniya, “Maupo ka at basahin mo ito sa aming pakikinig. “Kaya binasa ni Baruc ang kasulatang balumbon.
Et dixerunt ad eum: Sede, et lege haec in auribus nostris. Et legit Baruch in auribus eorum.
16 At nangyari nang kanilang narinig ang lahat ng mga salitang ito, natakot ang bawat tao at sinabi kay Baruc, “Nararapat nating ibalita ang lahat ng mga salitang ito sa hari.”
Igitur cum audissent omnia verba, obstupuerunt unusquisque ad proximum suum, et dixerunt ad Baruch: Nunciare debemus regi omnes sermones istos.
17 Pagkatapos, tinanong nila si Baruc, “Sabihin mo sa amin, paano mo nagawang isulat ang lahat ng mga salitang ito, sa pagsasalaysay ni Jeremias?”
Et interrogaverunt eum, dicentes: Indica nobis quomodo scripsisti omnes sermones istos ex ore eius.
18 Sinabi ni Baruc sa kanila, “Isinalaysay niya sa akin ang lahat ng mga salitang ito at isinulat ko ang mga ito sa tinta sa balumbon na ito.”
Dixit autem eis Baruch: Ex ore suo loquebatur quasi legens ad me omnes sermones istos. et ego scribebam in volumine atramento.
19 At sinabi ng mga opisyal kay Baruc, “Umalis ka at magtago, at ganoon din si Jeremias. Huwag ninyong ipaalam kahit kanino ang kinaroroonan ninyo.”
Et dixerunt principes ad Baruch: Vade, et abscondere tu et Ieremias, et nemo sciat ubi sitis.
20 Pagkatapos, pumunta sila sa bulwagan ng hari at ibinalita ang mga salitang ito sa kaniya. Ngunit una nilang inilagay ang kasulatang balumbon sa silid ng kalihim na si Elisama.
Et ingressi sunt ad regem in atrium: porro volumen commendaverunt in gazophylacio Elisamae scribae: et nunciaverunt audiente rege omnes sermones.
21 At isinugo ng hari si Jehudi upang kunin ang kasulatang balumbon. Kinuha iyon ni Jehudi sa silid ng kalihim na si Elisama. At binasa niya ito nang malakas sa hari at sa lahat ng mga opisyal na nakatayo sa kaniyang tabi.
Misitque rex Iudi ut sumeret volumen: qui tollens illud de gazophylacio Elisamae scribae, legit audiente rege, et universis principibus, qui stabant circa regem.
22 Ngayon, nanatili ang hari sa tahanang pang-taglamig sa ika-siyam na buwan, at isang apuyan na nagniningas sa kaniyang harapan.
Rex autem sedebat in domo hiemali in mense nono: et posita erat arula coram eo plena prunis.
23 Nangyari ito nang mabasa ni Jehudi ang tatlo o apat na mga hanay, nais itong tanggalin nang hari gamit ang isang kutsilyo at itapon ito sa apuyan hanggang masira ang lahat ng kasulatang balumbon.
Cumque legisset Iudi tres pagellas vel quattuor, scidit illud scalpello scribae, et proiecit in ignem, qui erat super arulam donec consumeretur omne volumen igne, qui erat in arula.
24 Ngunit wala sa hari ni ang sinuman sa kaniyang mga lingkod ang nakarinig sa lahat ng mga salitang ito ang natakot, ni punitin ang kanilang mga kasuotan.
Et non timuerunt, neque sciderunt vestimenta sua rex, et omnes servi eius, qui audierunt universos sermones istos.
25 Maging sina Elnatan, Delaias at Gemarias ay hinimok ang hari upang hindi sunugin ang kasulatang balumbon, ngunit hindi siya nakinig sa kanila.
Verumtamen Elnathan, et Dalaias, et Gamarias contradixerunt regi ne combureret librum: et non audivit eos.
26 At inutusan ng hari si Jerameel, isang kamag-anak, si Seraias na anak ni Azriel at Selenias na anak ni Abdeel upang hulihin si Baruc na eskriba at ang propetang si Jeremias, ngunit itinago sila ni Yahweh.
Et praecepit rex Ieremiel filio Amelech, et Saraiae filio Ezriel, et Selemiae filio Abdeel ut comprehenderent Baruch scribam, et Ieremiam prophetam: abscondit autem eos Dominus.
27 At dumating ang salita ni Yahweh kay Jeremias pagkatapos sunugin ng hari ang kasulatang balumbon at ang mga salita na isinulat ni Baruc sa pagsasalaysay ni Jeremias, at sinabi niya.
Et factum est verbum Domini ad Ieremiam prophetam, postquam combusserat rex volumen et sermones, quos scripserat Baruch ex ore Ieremiae, dicens:
28 “Bumalik ka, kumuha ka ng ibang balumbon para sa iyong sarili at isulat doon ang lahat ng mga salitang naroon sa naunang kasulatang balumbon, na sinunog ni Jehoiakim na hari ng Juda.
Rursum tolle volumen aliud: et scribe in eo omnes sermones priores, qui erant in primo volumine, quod combussit Ioakim rex Iuda.
29 At kailangan mo itong sabihin kay Jehoiakim na hari ng Juda: 'Sinunog mo ang kasulatang balumbon na iyon! At sinabi mo: Bakit mo isinulat iyon, “Tiyak na darating ang hari ng Babilonia at wawasakin ang lupaing ito, sapagkat wawasakin niya ang tao at mga hayop dito"?”'
Et ad Ioakim regem Iuda, dices: Haec dicit Dominus: Tu combussisti volumen illud, dicens: Quare scripsisti in eo annuncians: Festinus veniet rex Babylonis, et vastabit terram hanc, et cessare faciet ex illa hominem, et iumentum?
30 Samakatuwid, sinabi ito ni Yahweh tungkol sa iyo, Jehoiakim na hari ng Juda, “Wala sa mga kaapu-apuhan mo ang makakaupo kahit kailan sa trono ni David. Para sa iyo, ang iyong bangkay ay itatapon sa init ng araw at sa lamig ng gabi.
Propterea haec dicit Dominus contra Ioakim regem Iuda: Non erit ex eo qui sedeat super solium David: et cadaver eius proiicietur ad aestum per diem, et ad gelu per noctem.
31 Sapagkat parurusahan kita, ang iyong mga kaapu-apuhan, at iyong mga lingkod para sa mga kasamaan ninyong lahat. Dadalhin ko sa iyo, sa lahat ng mga naninirahan sa Jerusalem, at bawat tao sa Juda, ang lahat ng mga sakuna na aking ibinanta sa iyo, ngunit hindi mo ito binigyang pansin.”
Et visitabo contra eum, et contra semen eius, et contra servos eius iniquitates suas, et adducam super eos et super habitatores Ierusalem, et super viros Iuda omne malum, quod locutus sum ad eos, et non audierunt.
32 Kaya kumuha pa ng ibang balumbon si Jeremias at ibinigay ito kay Baruc na anak ng eskribang si Nerias. Isinulat iyon ni Baruc sa pagsasalaysay ni Jeremias sa lahat ng mga salitang nasa kasulatang balumbon na sinunog ni Jehoiakim na hari ng Juda. At saka, maraming ibang magkatulad na mga salita ang idinagdag sa balumbon na ito.
Ieremias autem tulit volumen aliud, et dedit illud Baruch filio Neriae scribae: qui scripsit in eo ex ore Ieremiae omnes sermones libri, quem combusserat Ioakim rex Iuda igni: et insuper additi sunt sermones multo plures, quam antea fuerant.

< Jeremias 36 >